"My Hot Mami Business"

Promotion of my mami business and offering delicious siomai,lugaw,beef pares and other comfort food at an affordable price.We are also accepting bulk orders for siomai.

Custom Search

Monday, August 17, 2009

Merienda na lagi kong kinakain sa hapon


Nung high school madalas lalo na pag sobra ang baon kong pera, diretso agad ako sa lugawan at mamihan ng kapitbahay namin along A.H Lacson Street sa Sampaloc, Manila. Bandang 4pm, matyaga akon makipagsiksikan sa mga taxi driver, tambay, kapwa estudyante na makakain ng lugaw, mami o palabok.
Noon 8 pesos ang lugaw na walang laman-loob, 15 pesos pa meron nito. Ang mami naman na sinabawan ng pork stock with pork meat at onion leaves ay 10 pesos pa. Ang palabok naman ay 10 pesos pag regular na ang noodles nya ay miki lang at ang special palabok na puro bihon ang noodles ay 15 pesos naman.
Patok na patok noon ay ang mami at lugaw. People from all walks of life ang pumupunta dito para mamerienda. Meron din tokwa atbaboy, lumpiang gulay, monay at softdrinks.
Tulo uhog mo pa gumamit ka ng sili na nakalagay sa mangkok na maliit sa mesa, di pa kasi uso noon ang chili sauce.
Kaya bago ako umuwi galing school,sinisiguro ko na lagi akong may dalang sobrang pera pambili ng mami o kaya lugaw.........


Labels: , , , , , ,

4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

please sir/maam

patulong naman, gusto ko mag business ng siomai, actually naka try na akong gumwa ng siomai gamit ang
mga recipe na available sa net kaso lalabas na hindi pang commercial ang kanilang siomai, please share naman ng recipe nyo, if it cost a lot for you to share your recipe, maski yung extender na lang na ginamit nyo, na try ko na kasi yung tvp kaso ang lasa parang medisina, please
if its okey lang sa iyo here's my e-mail add
kamelloria@anflocor.com

April 14, 2015 at 5:47 PM  
Anonymous Anonymous said...

tsaka dito po ako sa mindanao, cguro you will not consider me as your competitor, gusto ko lang umasenso,
i been working here in a private company for 13 long years
and yet nothing happens. salamat

kamelloria@anflocor.com


April 14, 2015 at 5:50 PM  
Anonymous Mary said...

Hi, your story was so inspiring.. I have been planning to put up also small mami business just for tricycle drivers parked near in our house.. Would you able to provide your menu process? :) :)

December 9, 2015 at 6:32 PM  
Blogger Unknown said...

Alin ba mabenta lugaw o pares mami pakisagot naman nyo

October 19, 2018 at 6:11 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home